02/11/2026
MATAGUMPAY NA OPERASYON | OPLAN KALULUWA 2026
Matagumpay na naisagawa ang ating OPLAN KALULUWA 2026 sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at dedikasyon ng bawat volunteer at responder na naglaan ng oras at lakas para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga katuwang:
• Mulawit fire and rescue volunteer inc.
• D'Extreme Fire Communications and Rescue Volunteer Inc.
• Manila City DRRM Department
Ang tagumpay ng operasyong ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, koordinasyon, at iisang layunin ang maglingkod, tumulong, at maging handa sa anumang oras na kinakailangan.
Muli Maraming salamat sa lahat ng opisyal, miyembro, volunteers, responders, at mga nakibahagi sa operasyong ito. Mula sa Manila Search & Rescue Fire Volunteer Inc. at Msr Motomedic One 🫡
Mabuhay ang lahat ng Volunteer Responders! Saludo sa inyong lahat! 🫡