Dr. Camilo Oliver Aquino

Dr. Camilo Oliver Aquino • Physician & Consultant
• Cardiology, Interventional Cardiology & Internal Medicine
• Philhealth-accredited

Panahon na po para sa mga may sakit sa puso, may high blood o hypertension, diabetes, na stroke, may sakit sa baga, sa b...
06/04/2021

Panahon na po para sa mga may sakit sa puso, may high blood o hypertension, diabetes, na stroke, may sakit sa baga, sa bato at sa atay, mga obese at may cancer na edad 18-59 para magpabakuna laban sa COVID-19 sa araw na ito. Tumungo lamang sa malapit na elementary school sa inyo na nagsisilbing vaccination site dala-dala ang pinaka-huling reseta. CoronaVac na gawa ng Sinovac ang nakalaang gamitin kung kayat hindi muna kasama ang mga senior citizens. Tandaang, allergy lamang sa nasabing bakuna ang tinuturing na dahilan para ipagpaliban ang pagbakuna. Unawain din natin na higit na mas matimbang ang benepisyo ng bakuna kontra sa posibleng side effects nito. Ang pinakamahalagang pakinabangan ng bakunang ito at mailayo tayo sa malalang o nakamamatay na COVID-19.

Pagkatapos ng bakuna ay sundin pa din ang minimum health standard at tandaang .
A - Air ventilation: Kung hindi maiwasang manatili ng bahay, piliin ang open air kaysa enclosed spaces
P - Physical Distancing - 1 metro at kung maaari 2 metro ang layo sa ibang tao
A - Always wear face mask & shield - panatiliing suot itong PPE kahit na open air at isuot ng tama
T - Time for interaction < 30 mins or better < 15 mins
Siguraduhing alin mang tatlo dito ay masunod upang mas protektado tayo.

Wag na mag alinlangan pa, tara na, pagbakuna na at mag . May laban ka. Sugpuin na natin ang pandemyang ito.

Magbubukas na po ang clinic sa Mary Johnston Hospital mula sa Martes May 19,2020. Ito po ay sa Martes, Miyerkules at Huw...
16/05/2020

Magbubukas na po ang clinic sa Mary Johnston Hospital mula sa Martes May 19,2020. Ito po ay sa Martes, Miyerkules at Huwebes ala una hanggang alas kwatro ng hapon (1-4 PM) lamang at kailangan pong magpa-appointment kay Marian +639158968139 or +639102507628 o Josie +639174608678 o kaya ay dumaan ng umaga sa klinika bago magpa-konsulta. Ang pansamantaang clinic ngayon ay nasa Dispensary ng hospital at sa likod ang entrance sa Morga St. Ang mga walang sintomas ng COVID-19 at hindi nag-aalaga o kasama sa bahay ng may sakit ng COVID-19 lamang ang tinatanggap sa mga clinic. Ang mga hinihinalang may COVID-19 base sa sintomas o pagkakalantad ay sa emergency room (ER) bibigyan ng tamang atensyon. Mas makabubuting tumawag o mag padala muna ng mensahe bago pumunta sa klinika para malinaw kung saan tutugunan ang pangangailangan ng pasyente . Huwag din kalimutang mag suot ng face mask sa pag punta ng hospital. Asahang ang pasyente lamang ang papasukin sa loob ng klinika kaya’t ibilin na sa sekretarya ng tagapag-alaga ang mga isasangguni tulad ng mga resulta ng laboratoryo sa manggagamot. Mag dala din ng sariling alcohol/alcogel at tisyu para sa personal na gamit. Umasang pananatilihin ang social o physically distancing sa loob ng hospital. Tuloy pa din po ang pag serbisyo sa paraan ng telemedicine o online consultation sa mga pasyenteng ayaw pumunta sa hospital. Ito ang pamamaraang pagpapa-konsulta na inirerekomenda ng mga eksperto at DOH sa panahon ng pandemya lalo na sa mga nakatatanda at sa mga may seryosong sakit sa puso at malalang high blood at diabetes. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pagtitiwala.

Sa aking minamahal na mga pasyente,Sa ngayon po walang mga clinic dahil sa COVID19 pandemic at habang kami ay nasa front...
23/04/2020

Sa aking minamahal na mga pasyente,

Sa ngayon po walang mga clinic dahil sa COVID19 pandemic at habang kami ay nasa frontline kayo po ay HOMELINER. Subalit pwede po mag ONLINE CONSULT or TELEMEDICINE. I-check up ko po kayo online alin man sa mga sumusunod na paraan:
1. FB Messenger o Zoom Cloud App: i-contact po si Marian sa Globe +639158968139 o Smart +639102507628 para sa proseso
2. Medifi app: I-download po ito at hanapin ang pangalang “Camilo Oliver B. Aquino”
3. Serious MD

Salamat po!

Address

Rm 139 Mary Johnston Hospital 1221 J. Nolasco Street
Tondo
1012

Opening Hours

Tuesday 1pm - 6pm
Wednesday 1pm - 6pm
Thursday 1pm - 6pm

Telephone

+63282454021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Camilo Oliver Aquino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Camilo Oliver Aquino:

Shortcuts

Share

Category