Healthy Torrijos

Healthy Torrijos Official Page of Municipal Health Office - Torrijos, Marinduque

Together, we shined a light for hope, compassion, and awareness during the successful conduct of the Light for Life HIV ...
07/07/2026

Together, we shined a light for hope, compassion, and awareness during the successful conduct of the Light for Life HIV Awareness Activity.

Every candle lit represented our commitment to end stigma, promote HIV education, and support every individual affected by HIV. Through unity and shared responsibility, we continue to build a community where everyone is treated with dignity, respect, and care.

Thank you to all participants, partners, volunteers, and stakeholders who made this meaningful event possible. Your presence and support remind us that awareness saves lives and compassion changes lives.

Let us continue to spread knowledge, encourage HIV testing, and stand together for a healthier and more inclusive community.
Light for Life. Together, we end stigma. Together, we protect lives.

💙💚 PhilHealth YAKAP Caravan sa Torrijos 💚💙JULY 1, 2026 — Matagpay na inilunsad ng Torrijos Public Health and Diagnostic ...
02/07/2026

💙💚 PhilHealth YAKAP Caravan sa Torrijos 💚💙

JULY 1, 2026 — Matagpay na inilunsad ng Torrijos Public Health and Diagnostic Center, sa ilalim ng Municipal Health Office of Torrijos at bilang parte ng PUROKalusugan Program sa Barangay, ang pag-uumpisa ng PhilHealth Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) Caravan sa Brgy. Malibago.

Bilang bahagi ng layuning mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Torrijeño, naghatid ang caravan ng mga sumusunod na serbisyo:

✅ PhilHealth Member Registration
✅ YAKAP Registration
✅ Libreng medical consultation at gamot
✅ PhilSys Registration

Sa pagtutulungan ng Municipal Government of Torrijos, PhilHealth, at Department of Health, patuloy nating inilalapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga komunidad.

Sama-sama nating isinusulong ang mas malusog, mas matatag, at mas inklusibong Torrijos, kung saan ang bawat mamamayan ay may pagkakataong makatanggap ng serbisyong nararapat para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Kalusugan para sa lahat, serbisyong abot-kamay.


PhilHealth YAKAP Caravan sa Barangay!Mag-register at alamin ang mga benepisyo ng PhilHealth YAKAP Package sa buwan ng Hu...
22/06/2026

PhilHealth YAKAP Caravan sa Barangay!

Mag-register at alamin ang mga benepisyo ng PhilHealth YAKAP Package sa buwan ng Hulyo, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:oo ng hapon sa inyong barangay.

Tara na at makilahok sa PhilHealth YAKAP Caravan!

🦟💚 JUNE IS DENGUE AWARENESS MONTH 💚🦟Ngayong buwan ng Hunyo, patuloy nating palakasin ang kamalayan ng bawat pamilya at k...
16/06/2026

🦟💚 JUNE IS DENGUE AWARENESS MONTH 💚🦟

Ngayong buwan ng Hunyo, patuloy nating palakasin ang kamalayan ng bawat pamilya at komunidad tungkol sa dengue. Sa pamamagitan ng ating Information, Education, and Communication (IEC) campaign, naipabatid natin ang kahalagahan ng tamang pag-iwas at pagkontrol sa mga lamok na nagdadala ng dengue.

Tandaan ang 5S Kontra Dengue:
✅ Search and Destroy mosquito breeding sites
✅ Self-Protection Measures
✅ Seek Early Consultation
✅ Support Fogging in Outbreak Areas
✅ Sustain Hydration

Ang dengue ay maiiwasan kung tayo ay sama-samang kikilos. Panatilihing malinis ang kapaligiran, maglinis ng mga posibleng pamugaran ng lamok, at maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue.






🩸BLOOD DONATION DRIVE🩸“Donate Blood, Save Lives.”Join us tomorrow for a meaningful act of kindness and help save lives t...
10/06/2026

🩸BLOOD DONATION DRIVE🩸

“Donate Blood, Save Lives.”

Join us tomorrow for a meaningful act of kindness and help save lives through blood donation. Your single donation can give hope to patients in need.

📅 Date: June 11, 2026
📍 Venue: MDRRM Hall, Poblacion, Torrijos, Marinduque
⏰ Time: 9:00 am onwards

Be a hero today — donate blood and make a difference in someone’s life.

✅ Open to all qualified blood donors
✅ Eat a proper meal and stay hydrated before donating

Together, let’s give the gift of life!

Noong nakaraang Mayo 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang isang mahalagang talakayan ukol sa Road Safety sa Covered Cou...
28/05/2026

Noong nakaraang Mayo 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang isang mahalagang talakayan ukol sa Road Safety sa Covered Court ng Barangay Poctoy. Ang aktibidad na ito ay masiglang dinaluhan ng mga masisipag nating 4Ps Beneficiaries na nagtipon-tipon upang palawakin ang kanilang kamalayan sa mga patakaran sa daan at tamang pag-iingat habang nagmamaneho o naglalakad.

Sa naging diskusyon, binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina sa kalsada tulad ng pagpapasuot ng helmet sa mga motorista, pag-iwas sa overspeeding, at ang pagbaba o pagsakay sa mga tamang sakayan. Ipinakatanda sa lahat na ang bawat pamilya ay may malaking gampanin upang maiwasan ang mga sakuna at maprotektahan ang buhay ng ating mga kapwa mamamayan.

Naging napakaganda rin ng palitan ng kaisipan dahil ibinahagi ng mga benepisyaryo ng 4Ps ang kanilang mga karanasan at obserbasyon sa komunidad. Ipinamalas ng bawat isa na ang tulong at gabay na kanilang natatanggap ay kaakibat ng responsibilidad na maging ehemplo ng disiplina at pagsunod sa batas trapiko para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.



MA.LUMALINDA L. LANDOY, RM
HRH

“Pagsusulong ng Kalinisan at Kaligtasan: WASH at Road Safety Awareness Campaign”Isinagawa ang isang lecture sa mga miyem...
28/05/2026

“Pagsusulong ng Kalinisan at Kaligtasan: WASH at Road Safety Awareness Campaign”

Isinagawa ang isang lecture sa mga miyembro ng 4Ps, Set 12 sa Barangay Malibago noong Mayo 26, 2026, sa ganap na ika-8 ng umaga, tungkol sa WASH (Water, Sanitation, and Hygiene), kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang paggamit ng palikuran, personal na kalinisan, at pagsunod sa Barangay Ordinance tungkol sa wastong pagtatayo ng bahay na may sanitary toilet. Tinalakay ang kahalagahan nito sa pagpigil ng pagkalat ng sakit at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Ipinaliwanag din ang epekto nito sa kalusugan ng komunidad at ang kahalagahan ng pakikilahok ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng paligid. Isinagawa ang isang health education tungkol sa tamang paghuhugas ng kamay at road safety. Tinalakay ang proper handwashing, kung saan dapat gumamit ng sabon at malinis na tubig bago kumain, pagkatapos gumamit ng palikuran, at pagkatapos humawak ng maruruming bagay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Binigyang-diin din ang road safety tulad ng tamang pagtawid sa pedestrian lane, pagtingin sa magkabilang panig bago tumawid, at pag-iwas sa disgrasya sa kalsada. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad.

Purok Kalusugan
WASH (Water, Sanitation and Hygiene)
Road Safety

Adelfa R. Pernia HRH-RHMPP
Malibago Mayo 26, 2026

Purok Kalusugan@Malibago May 22,202“Routine Immunization: Proteksyon ng bawat bata para sa mas malusog at ligtas na kina...
23/05/2026

Purok Kalusugan@Malibago
May 22,202

“Routine Immunization: Proteksyon ng bawat bata para sa mas malusog at ligtas na kinabukasan.” 💉👶
Isinagawa ang health education tungkol sa kahalagahan ng Routine Immunization upang maprotektahan ang mga sanggol at bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Ipinaliwanag sa mga magulang at tagapag-alaga ang tamang iskedyul ng pagpapabakuna at ang benepisyo nito sa pagpapanatiling malusog at ligtas ng mga bata laban sa mga sakit tulad ng tigdas, polio, at pulmonya.

Nagkaroon din ng pagbibigay-kaalaman tungkol sa kahalagahan ng kumpletong bakuna upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad. Ang aktibidad ay naging matagumpay dahil sa pakikiisa ng mga magulang at kanilang positibong pagtanggap sa programa ng immunization.
Lubos na pasasalamat sa mga dumalo at nakinig sa gawaing ito.

Purok Kalusugan 2026



Adelfa R.Pernia
HRH-RHMPP
Malibago Catchment

Address

Rizal Street, Poblacion
Torrijos
4903

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639081493556

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healthy Torrijos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Healthy Torrijos:

Share