Office of the Provincial Health Officer- Child Health

Call Directions Contact the practice

Office of the Provincial Health Officer- Child Health Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Provincial Health Officer- Child Health, Medical and health, Cavite Collaboration Center for Public Health Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires.

NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM, NEWBORN SCREENING, CHILD INJURY PREVENTION AND INTEGRATED MANAGEMENT OF CHILDHOOD ILLNESS

Health programs and initiatives to end preventable child deaths and promote the healthy growth and development of all children.

πŸŽ‰ It’s a wrap! πŸŽ‰Sa opisyal na pagtatapos ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplement...
11/09/2026

πŸŽ‰ It’s a wrap! πŸŽ‰

Sa opisyal na pagtatapos ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR SIA VAS) o Ligtas Tigdas 2026, na isinagawa mula August 10 hanggang September 4, 2026, narito na ang final accomplishment status ng mga municipalities at cities sa buong Lalawigan ng Cavite. πŸ’‰πŸ›‘οΈ

Lubos na nagpapasalamat ang Public Health - Office of the Provincial Health Officer (OPHO) sa lahat ng mga nanay, tatay, at tagapag-alaga ng mga batang edad 6 hanggang 59 months na nakibahagi sa pagbibigay-proteksyon sa kanilang mga chikitin laban sa vaccine-preventable diseases tulad ng Measles at Rubella, o tigdas at tigdas-hangin. πŸ‘Ά

Isang taos-pusong pagpupugay din sa ating mga health workers na walang humpay ang dedikasyon, malasakit, at serbisyo para sa kalusugan ng bawat komunidad. πŸ‘©β€βš•οΈπŸ‘¨β€βš•οΈ Maraming salamat sa ating mga local government units, volunteers, partners, at mga magulang na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na kampanyang ito! πŸ‘πŸ«Ά

Dahil sa sama-samang pagkilos at suporta ng bawat isa, mahigit 200,000 batang Kabitenyo ang nabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin, habang mahigit 180,000 naman ang nakatanggap ng karagdagang Vitamin A para sa kalusugan ng kanilang mga mata at immune system. πŸ’ͺπŸ‘€βœ¨

Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapanatiling ligtas at malusog ang ating mga anak! πŸ™Œ
Para sa mas ligtas, mas malusog, at mas protektadong kabataang Kabitenyo! πŸ’™πŸ›‘οΈ

31/08/2026

π€ππŽ 𝐍𝐆𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 π…πŽπ‘πŒ 𝐍𝐀 πˆπ“πŽ?

Alam mo ba kung bakit may Quick Health Assessment Form bago mabakunahan ang iyong anak laban sa Measles-Rubella (MR)?

Ang form na ito ay hindi waiver. Ginagamit ito upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng bata bago siya bakunahanβ€”kabilang ang kanyang pangunahing impormasyon, vaccination history, vital signs, at iba pang kondisyon na kailangang malaman ng healthcare worker.

Mahalaga rin ang form bilang pagpapaalam at pagbibigay ng pahintulot (consent) ng magulang o tagapag-alaga para sa pagbabakuna ng bata matapos ang wastong pagsusuri at pagpapaliwanag ng healthcare worker.

Para sa ligtas at maayos na pagbabakuna, makipagtulungan at maging tapat sa pagsagot sa Quick Health Assessment Form.

May tanong tungkol sa form o bakuna?
Magtanong sa ating mga health workers sa pinakamalapit na health facility.

Sama-sama nating protektahan ang bawat bata laban sa Measles at Rubella!

27/08/2026
27/08/2026
27/08/2026

DOH: 'Wag matakot sa mga side effect ng bakuna. Ang mga ito ay normal lamang at madalang na mangyari.

Kung sakaling makaranas ng side effects, handa ang mga healthcare worker na tumugon sa mga ito.

Ang dapat ikatakot ay ang panganib ng Tigdas at Tigdas-hangin na maaaring humantong sa pagkaospital at kamatayan.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o sumangguni sa nurse o midwife sa inyong barangay para sa pagbabakuna.



Address

Cavite Collaboration Center For Public Health Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires
4109

Telephone

+63465143316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Provincial Health Officer- Child Health posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Office of the Provincial Health Officer- Child Health:

Shortcuts

Share