08/05/2026
🔥 “HINDI LAHAT NG THERAPIST, NAGTATAGAL…” 🔥
May mga therapist na magaling…
pero sumuko.
May mga therapist na maraming alam…
pero nawalan ng gana.
May mga therapist na sobrang bait sa client…
pero sila mismo, pagod na pagod na sa buhay.
Kasi ang totoo—
hindi madali maging therapist.
Hindi alam ng iba
kung gaano kabigat ang trabaho mo.
Habang sila nagpapahinga…
ikaw, nakayuko buong araw.
Habang sila nakaupo…
ikaw, paulit-ulit gumagamit ng katawan
para maibsan ang sakit ng ibang tao.
Minsan nga,
kahit masakit na rin likod mo…
tutuloy ka pa rin sa session.
Kahit puyat ka…
kahit problemado ka…
kahit may sariling pinagdadaanan ka…
Ngingiti ka pa rin sa client mo.
At minsan,
wala man lang nakaka appreciate.
May client pang tatawad.
May mag cocompare sayo.
May akala “massage lang” ginagawa mo.
Pero hindi nila alam…
Ilang taon mong inaral yan.
Ilang trial and error.
Ilang beses kang nag doubt sa sarili mo.
Ilang beses kang gusto sumuko
pero bumabangon ka pa rin.
Kasi may pangarap ka.
Pangarap mong gumaling.
Pangarap mong maka tulong.
Pangarap mong makaahon sa buhay.
At tandaan mo ito…
Hindi habang buhay
nasa mababang stage ka lang.
Darating ang panahon—
yung dating therapist na minamaliit…
siya na yung hinahanap.
Yung dating walang client…
siya na yung fully booked.
Yung dating nahihiya…
siya na yung nagtuturo.
Yung dating nanonood lang…
siya na yung iniidolo.
Pero bago mangyari yun—
kailangan mong tiisin yung proseso.
Kailangan mong tanggapin
na hindi araw-araw malakas ka.
May araw na pagod ka.
May araw na walang client.
May araw na parang gusto mo nalang huminto.
Pero wag mong kalimutan…
Hindi ka nagsimula
para lang sumuko sa gitna.
Kaya sa lahat ng therapist na tahimik lumalaban ngayon…
Yung kahit pagod,
tuloy pa rin.
Yung kahit konti palang client,
umaasa pa rin.
Yung kahit walang support,
pinipilit pa rin matuto…
RESPETO.
Kasi hindi lahat,
kayang dalhin yung trabaho mo.
ccto:Bodyreset