22/09/2026
✨ MULA SA ISANG SIMPLENG PANGARAP, NGAYON AY NASA HARAPAN NA NAMIN. ✨
Kung babalikan namin kung saan nagsimula ang lahat, simple lang ang aming kwento. Nagsimula kami bilang mga simpleng estudyante sa Hilot Palagatok—walang malaking puhunan, walang kasiguraduhan, at halos pangarap lang ang aming hawak. 🤍
Pero sa gitna ng kakulangan, may nabuo—pagkakaibigan, tiwala, pagtutulungan at isang pangarap. Pangarap na balang araw, magkaroon kami ng sarili naming team na sama-sama naming bubuuin at palalaguin.
Noon, minsan naiisip namin, “Posible kaya talaga?”
Isang pangarap na hindi namin inakala na darating ang araw na magiging realidad.
At ngayon… nandito na kami. 🥹✨
Ang dating pangarap na pinag-uusapan lang namin, ngayon ay nakikita na namin sa aming harapan—TEAM-K WELLNESS HUB CO.
Hindi naging madali ang journey. Maraming pagsubok, sakripisyo, pagod at moments na gusto na naming sumuko. Pero sa bawat hakbang, hindi kami pinabayaan ng Panginoon. 🙏
Today, we can truly say:
“Kung para sa atin at ipinagkatiwala natin sa Diyos, darating ang tamang panahon.”
Sa aming 2nd Anniversary & Grand Opening, hindi lang namin ipinagdiriwang ang isang business. Ipinagdiriwang namin ang pagkakaibigang nagsimula sa simpleng pangarap, ang samahang nabuo sa hirap at saya, at ang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon. ❤️
Mula sa mga simpleng estudyante sa Hilot Palagatok…
hanggang sa TEAM-K WELLNESS HUB CO. na dati ay pangarap lamang.
Walang imposible sa taong may pangarap, may pagkakaisa, at higit sa lahat, may pananampalataya sa Diyos. 🙏✨
TO GOD BE ALL THE GLORY!
“With God, nothing is impossible.” — Luke 1:37
🎉 September 25, 2026 — 2nd Anniversary & Grand Opening
📍 Team-K Wellness Hub Co. – Bataan Branch
CDM Building, Talisay, Balanga, Bataan
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng aming journey. Kung nasaan man kami ngayon, hindi namin ito makakalimutan. 🤍💛