31/07/2026
Best Reminder!π«‘
πββοΈ Sa ating mga Manlalangoy π
Kahit ibang coach na ang kasama mo ngayon sa iyong pagsasanay, huwag mong kalimutang magbigay ng respeto at taos-pusong pasasalamat sa iyong unang g**o.
Siya ang isa sa mga unang nagtiwala sa iyong kakayahan. Sa kanya mo unang natutunan kung paano yung basic skills nang tama, paano pumosisyon sa tubig, at ang mga unang hagod at sipa na naging pundasyon ng iyong lakas. Siya ang kasama mo noong nagsisimula ka pa lamang tumahak sa iyong paglalakbay sa pinili mong sports
Ang tunay na mahusay na atleta ay hindi lamang nasusukat sa bilis o galing sa loob ng pool. Ang tunay na manlalangoy ay marunong magpakumbaba, laging gumagalang, at hindi nakakalimot magpasalamat sa bawat taong tumulong sa kanyang paglago.
Tandaan mo: Ang iyong likas na galing ang nagbukas ng pinto para saβyo ngunit ang iyong mabuting asal, disiplina, at respeto ang siyang magdadala saβyo hanggang sa iyong pinakamalalaking pangarap.