26/08/2026
๐
๐ซ๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐๐ค-๐ฎ๐ฉ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ณ๐ฎ๐๐ฅ๐๐ง๐จ
Isinagawa ang Tripartite Memorandum of Agreement (MOA) Signing para sa Batang Valenzuelano, Batang Matalinaw Program ngayong araw, Agosto 26, 2026, sa Canumay West Events Space.
Naging posible po ang programang ito dahil sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pamamagitan ng City Health Office, DepEd Schools Division Office (SDO) Valenzuela, at Optometric Association of the Philippines โ Valenzuela City Chapter, na may layuning makapagbigay ng libreng serbisyo para sa eye health ng bawat Estudyanteng Valenzuelano.
Sa ilalim po ng programang ito, patuloy na makatatanggap ng LIBRENG prescription eyeglasses at eye care services ang mga pampublikong mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa paningin tungo sa mas mahusay na pagkatuto, mas mataas na kumpiyansa, at mas maliwanag na kinabukasan.
Hindi pa po rito nagtatapos ang programa! Ang iba pang mga paaralan ay bibigyan din ng kani-kanilang iskedyul sa mga susunod na araw.
Tuloy-tuloy lang po tayong gagawa ng mga programa para sa ating mga kabataan. Sama-sama rin po nating itaguyod ang isang mas malinaw at mas malusog na mata ng bawat batang Valenzuelano.