03/11/2026
𝗦𝗮 𝗹𝗶𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻. 🤝🏻
Opisyal nang matagumpay na natapos ang 𝟗𝐭𝐡 𝐏𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲! Mula sa pag-aayos ng mga upuan, paghahanda ng entablado, hanggang sa pagsasabit ng mga pin, hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang walang sawang dedikasyon ng 𝗣𝗟𝗩 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲.
Balikan natin ang mga paghahandang bumuo at nagbigay-buhay sa matagumpay na pagdiriwang na ito. Ang mga larawang ito ay hindi lamang simpleng mga kuha, kundi patunay ng inyong pagsisikap at hindi mabilang na kontribusyon sa likod ng mga eksena. Bawat maliit na gawain, bawat pagtulong, at bawat sandali ng pagtutulungan ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng seremonyang ito.
Para sa mga namumunong opisyal at sa bawat miyembro ng ating organisasyon na nakibahagi at nakitulong, maraming salamat sa inyong lahat! Ang inyong sipag, sakripisyo, at pagkakaisa ay tunay na nagbigay ng malaking ambag sa tagumpay ng kaganapan na ito. Hindi matatawaran ang inyong mga naging pagsisikap, at lubos naming pinahahalagahan ang bawat isa sa inyo.
𝗩𝗜𝗩𝗔 𝗦𝗜𝗞𝗢𝗟𝗢𝗛𝗜𝗬𝗔! 🔱
🎨 𝙇𝙖𝙮𝙤𝙪𝙩 𝙗𝙮: Ms. Mekaela Louix Tubera
🖼️ 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙗𝙮: Ms. Eulaine Mae Tan
📸 𝘾𝙖𝙥𝙩𝙪𝙧𝙚𝙙 𝙗𝙮: Ms. Alessandra Kate Trapero, Ms. Eulaine Mae Tan, & Ms. Lexine Janna Peregrina
✒️𝘾𝙖𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙗𝙮: Mr. Yaj Railey M. Macasaquit