09/08/2026
7 ๐ข๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ข ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข - long post
Meet Daddy 38y/o Mommy 35y/o
Pumunta sila sa clinic last May 3, 2026 dahil may nakapagkwento daw sa Kanila ..
Upon interview galing na sila sa ibat ibang doctor, pumunta na din sa infertility specialist. For 7 years sila ay nagpapagamot para magka anak. Pareho Silang may mga naging problema...
Naisip ko pano ko pa kaya sila matutulungan?!?
Ang una ko sa kanilang tanong, Katoliko po ba kayo? Handa ba kayong sabayan ng dasal ang ating gamutan? Sabi naman nila "opo doc". Ang una ko pong requirement dapat sabay po kayong magdadasal...
At binigyan ko sila ng Novena Pamphlet ๐
Sinunod naman nila lahat ng sinabi ko, mga gamot, examinasyon at ang Pag darasal...
Pag ff up nila ng June 11 may Isang nakakabiglang balita " doc POSITIVE na po ang pregnancy test ko ".
Di ko Alam ang kung ano ang magiging reaksyon ko. Maraming pumasok sa isip ko.
Mommy magpa serum pregnancy test ka - POSITiVE pa din. Mas Lalo na akong kinabahan. Sinabi ko na sa Kanila ang mga pwedeng maging scenario.
Patuloy ang gamot, pahinga at Lalo ng patuloy ang pagdasal at Novena...
At kahapon Aug 8, 2026
dumating na ang pinakahihintay - Ultrasound result....
Praise God may ๐ heartbeat na ang baby namin, sya ay 9-10weeks AOG na.
Ako ang naluha sa galak ๐ฅน
Walang hanggang PasaSalamat St. Gerard sa inyong gabay ๐๐๐
Salamat po Momshie and Dadshie sa inyong pagtitiwala sa amin.
Congratulations ๐ po sainyo, Mahaba na ang naging journey ninyo pero ngayon sabay na po natin itong tatahakin ๐ฅฐ
St. Gerard Majella Pray for Us ๐๐๐