09/08/2026
๐ MESSAGE FOR YOU
Sa lahat ng nagbigay ng best nila
na nagpuyat, nag-aral, nagdasal, at nag-try ulit kahit na ilang beses pa, ๐ง๐๐ข๐ข๐ง๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ก๐๐ง ๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ซ
Minsan talaga pakiramdam natin kulang pa, โdi ba? Pero hindi nasusukat sa isang bagsak, isang quiz, o isang resulta ang buong kwento mo. Ang best mo ngayon ay hindi pa yung final version mo.
Magpapahinga ka lang. Tapos babalik ka na mas malakas. May mga taong handang tulungan ka at manatili sa tabi mo para bigyan ka ng suporta, ๐ซ๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ป๐ธ๐ท๐ฐ ๐ช๐ป
Sa term na ito, maaaring ibinigay mo na ang lahat. Pinilit mong bumangon kahit pagod, nag-aral kahit nahihirapan, at ginawa ang lahat ng kaya mo para makamit ang resultang inaasam mo. Pero minsan, kahit ibigay natin ang ating buong makakaya, hindi pa rin naaayon sa inaasahan ang magiging resulta.
At kung isa ka sa mga estudyanteng pakiramdam ay hindi pa rin naging sapat ang lahat ng ginawa mo, gusto naming sabihin sa'yo na hindi nasayang ang lahat ng pagsisikap mo. Hindi nabubura ng isang mababang marka o hindi magandang resulta ang lahat ng puyat, pag-aaral, at pagsubok na ginawa mo.
Hindi ka failure dahil lang hindi mo nakuha ang resultang gusto mo. Hindi rin ibig sabihin na kulang ang kakayahan mo. Minsan, ang isang term ay hindi lang talaga nagtatapos sa paraang inaasahan natinโpero hindi doon nagtatapos ang kwento mo.
Kaya kung pagod ka, magpahinga ka. Kung nasasaktan ka, damhin mo. Pero kapag handa ka na, subukan mong muli. ๐ฑ
Dahil ang pagtatapos ng term na ito ay hindi pagtatapos ng iyong kakayahan, pangarap, at pagkakataon. May susunod pang pagkakataon para matuto, bumawi, at ipakita muli kung ano ang kaya mo.
Hindi man sapat ang naging resulta para sa'yo ngayon, sana huwag mong isipin na hindi ka naging sapat bilang isang estudyante. ๐ซ๐ค.