19/01/2026
Anunsyo Publiko!!
Sa darating na January 20,2026, ang National Tuberculosis Control Program (NTP) ng DOH Regional II, tayong muli ay magsasagawa ng TB Mass Screening na magaganap sa Brgy Dangan ,Reina Mercedes,Isabela mula 8am-12noon at Reina Mercedes National Highschool, Cutog Pequeño,Reina Mercedes,Isabela mula 1pm - 3pm bilang parte ng ating Intensified Active Casefinding upang tuldukan ang sakit na Tuberculosis.
Ang layunin po ng ating programa ay muling makapagbigay serbisyo para sa dalawang daang katao (200) ng libreng Chest X-ray, voluntary HIV screening at Gene Xpert. Priority pa din po ng ating programa ang mga kababayan natin na closed contact ng TB patient, market vendors and food handlers, and high-risk or vulnerable groups kagaya ng mga senior citizens, healthcare workers, mga immuno-compromised at iba pa na may mga sintomas gaya ng pag-ubo ng dalawang linggo o higit pa.
Para po sa mga karagdagang impormasyon, maaari po kayong magpunta at magpalista sa inyong mga Brgy Health Stations.
Maraming Salamat po!