19/09/2026
Sa likod ng malinis, maayos, at mapayapang sementeryo, may mga taong araw-araw na nagsisikap at nagtatrabaho para mapanatili ang kaayusan at maibigay ang serbisyong nararapat sa bawat pamilya.
Mabilis na aksyon at malasakit para sa mga nangangailangan ng ating serbisyo. Alam natin na isa sa pinakamabibigat na bahagi ng buhay ang mawalan ng mahal sa buhay. Sa mga panahong mahirap at puno ng lungkot, narito kami upang umalalay, tumulong, at magbigay ng maayos at mahabaging serbisyo sa abot ng aming makakaya.
At para sa ating mga bisita, isa lamang ang ating hinihiling, Huwag magkalat at itapon ang basura sa tamang basurahan.
Maliit na aksyon para sa bawat isa, ngunit malaking ambag sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kapayapaan ng ating sementeryo.
Sama-sama nating alagaan ang lugar na nagsisilbing huling hantungan ng ating mga mahal sa buhay.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa, pang-unawa, at malasakit.💙