SMDH Medical Records

Directions

SMDH Medical Records Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMDH Medical Records, Hospital, San Marcelino District Hospital, San Marcelino.

02/11/2026
26/10/2026
22/10/2026

PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT SA ISANG BUHAY NA NAGLINGKOD NANG MAY PUSO AT DEDIKASYON 🕊

Buong lungkot at taos-pusong pakikiramay ang ipinapaabot ng San Marcelino District Hospital sa pagpanaw ni Dr. Pamela N. Ayson, nitong Oktubre 18, 2026.

Sa mga naiwang pamilya, mahal sa buhay, kaibigan, at mga kasamahan, dalangin namin ang inyong lakas, kapanatagan, at kapayapaan sa gitna ng matinding kalungkutan. Nawa'y magsilbing yakap at aliw ang mga masasayang alaala at ang pagmamahal na iniwan niya sa bawat isa.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga taon ng kanyang tapat na paglilingkod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales at sa San Marcelino District Hospital. Ang kanyang dedikasyon, malasakit, at mga ambag sa ating institusyon ay mananatiling bahagi ng kasaysayan at alaala ng ating ospital.

Maaaring nagwakas na ang kanyang paglalakbay sa mundong ito, ngunit ang kabutihan, mga aral, at pamana ng kanyang paglilingkod ay patuloy na mabubuhay sa puso ng mga taong kanyang napaglingkuran at nakasama.

Maraming salamat, Dr. Pamela, sa iyong mga taon ng paglilingkod, sa iyong dedikasyon, at sa markang iniwan mo sa aming institusyon. Hindi ka malilimutan.

Mula sa pamilya ng San Marcelino District Hospital, maraming salamat sa iyong makabuluhang paglilingkod.

Nawa'y matagpuan mo ang walang hanggang kapayapaan, at nawa'y bigyan ng Diyos ng lakas at kapanatagan ang iyong pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.

Pinaaabot ng Pamahalang Panlalawigan ng Zambales at ng SMDH family, ang taos-pusong pakikiramay at pagmamahal.

Rest in peace, Dr. Pamela. Your legacy of service will live on in our hearts.

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

12/10/2026

🩺𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐏𝐑𝐄𝐒𝐘𝐎𝐍 ❤️

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐮𝐲𝐚, 𝐀𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐃𝐚𝐛𝐚𝐫𝐤𝐚𝐝𝐬 𝐧𝐢 𝐒𝐢𝐫, 𝐩𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨!

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Katandaang Pilipino at Buwan ng Katutubong Pilipino, samahan ninyo kami sa isang espesyal na programa para sa kalusugan! 🥰

📅 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬
📍𝟐𝐧𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐃𝐢𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠, 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 (𝐒𝐌𝐃𝐇)

🩺 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍:
✅ Libreng Chest X-ray
✅ Libreng ECG
✅ Libreng Blood Examination
✅ Libreng Gamot para sa Altapresyon
✅ Iba pang piling gamot gamit ang PhilHealth GAMOT App

💙 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒:
✔️ Pagbibigay ng PhilHealth Number para sa ating mga Senior Citizen at mga kapatid nating Katutubo
✔️ Pag-enroll at Paglipat ng YAKAP Provider — gawin ang San Marcelino District Hospital (SMDH) bilang inyong YAKAP Provider
✔️ Updating ng PhilHealth Records
✔️ Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa inyong mga Benepisyong PhilHealth.

📋 𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐇𝐈𝐍:

👴👵 Para sa Senior Citizen:
• Senior Citizen ID o Birth Certificate
🧑‍🌾 Para sa ating mga Kapatid na Katutubo:
• Birth Certificate o anumang Valid ID
💙 Para sa gustong mag-enroll o lumipat ng YAKAP Provider:
• Valid ID
📝 Para sa PhilHealth Record Updating:
Magdala ng mahahalagang dokumento tulad ng:
• Birth Certificate
• Marriage Contract
• Valid ID

🌿 Ang programang ito ay para sa ating mga kababayan upang mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan at PhilHealth sa bawat isa.

Ang lahat ng programang ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng suporta ng Provincial Government of Zambales, sa pangunguna ng ating butihing Ama ng Lalawigan, 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐠𝐞𝐧𝐞𝐬 𝐄. 𝐄𝐛𝐝𝐚𝐧𝐞 𝐉𝐫., sa pakikipagtulungan sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Olongapo, sa pangunguna ni 𝐌𝐫𝐬. 𝐋𝐞𝐧𝐲 𝐃. 𝐅𝐚𝐣𝐚𝐫𝐝𝐨 , at sa Department of Health – Center for Health Development Region III, sa pangunguna ni Provincial Department Manager 𝐌𝐫𝐬. 𝐉𝐨 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐭𝐞 𝐏𝐚𝐬𝐜𝐮𝐚.

❤️ Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan!
🩺 Proteksyon Para sa Altapresyon!

-----
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Mga Lola, Lolo at mga kapatid naming katutubo,
Huwag palampasin! Makilahok, magpatingin, at alagaan ang kalusugan! ❤️

01/10/2026

𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗕𝗢, SMDHOSPITAL handang umagapay ng 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔N sa mga kapatid na Katutubo.

Ngayong Buwan ng mga Katutubo, buong-pusong ipinagmamalaki ng San Marcelino District Hospital (SMDH) ang ating mga katutubong kapatid na bahagi ng ating komunidad!

Sa ating pagamutan, naniniwala tayo na ang de-kalidad at maayos na serbisyong medikal ay para sa lahat—walang pinipili, anuman ang paniniwala, lahi, kultura.

Isang espesyal na pagkilala ang ibinibigay natin sa ating mga dedikadong empleyado sa opisina ng ating Social Service na sina 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗺𝗶𝗹 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗼 at 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗮 𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 na siyang nangunguna at naglalaan ng buong-pusong pag-asikaso, pag alalay at paggabay sa ating mga kapatid na katutubo sa tuwing sila ay dumating at nagpapagamot sa ating ospital.

Ang inyong malasakit ay tunay na nagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyo-publiko!

𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗮𝗴𝘂𝘆𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗴:
❤ 𝗜𝗻𝗸𝗹𝘂𝘀𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻: Pagbibigay ng pantay at makataong pangangalagang medikal sa bawat isa.
❤ 𝗣𝗮𝗴𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮: Pagpapahalaga sa identidad at dignidad ng ating mga katutubong pasyente.

"𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒉𝒂 𝒌𝒂𝒈𝒂𝒏𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒃𝒐𝒚 𝒑𝒂𝒕𝒆𝒍 𝒏𝒂𝒘𝒆𝒏 𝒚𝒂 𝒂𝒎𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂-𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒏 𝒕𝒂𝒎𝒃𝒂𝒚 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒘 𝒎𝒂 𝒕𝒂𝒎𝒃𝒂𝒍 𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒐 𝒌𝒂𝒘𝒐 𝒅𝒊 𝒉𝒂 𝒉𝒐𝒔𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍 𝒕𝒂𝒎𝒐, 𝒕𝒊𝒏𝒈𝒌𝒂𝒑𝒆𝒏 𝒐 𝒍𝒂𝒌𝒘𝒆𝒏 𝒎𝒐𝒚𝒐 𝒉𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒕𝒆𝒍 𝒕𝒂𝒎𝒐 𝒉𝒆𝒍𝒆 𝒌𝒂𝒌𝒂 𝑬𝒎𝒊𝒍 𝑹𝒐𝒎𝒖𝒂𝒍𝒅𝒐 𝒐 𝒉𝒆 𝒂𝒕𝒆𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒂 𝑳𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈 𝒉𝒂 𝒍𝒖𝒈𝒂𝒓 𝒏𝒊𝒏 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆 𝒃𝒊𝒈𝒂𝒘 𝒎𝒂 𝒎𝒆𝒕𝒖𝒓𝒐 𝒃𝒐𝒚 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒘𝒐 𝒉𝒂 𝒑𝒂𝒔𝒚𝒆𝒏𝒕𝒆 𝒎𝒐𝒚𝒐𝒏 𝒎𝒂𝒆𝒏 𝒉𝒂𝒌𝒊𝒕 . "

"𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙙𝙖𝙜𝙞𝙩𝙞 𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙣𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙗𝙨𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙖𝙜𝙠𝙖𝙨𝙖𝙥𝙪𝙡𝙖𝙣 𝙩𝙞 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙥𝙣𝙤 𝙖𝙜𝙥𝙖𝙖𝙜𝙖𝙨 𝙬𝙚𝙣𝙣𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙩𝙙𝙖 𝙩𝙞 𝙪𝙢𝙖𝙮 𝙞𝙩𝙞 𝙤𝙨𝙥𝙞𝙩𝙖𝙡 𝙩𝙖𝙮𝙤, 𝙨𝙖𝙥𝙪𝙡𝙚𝙣 𝙬𝙚𝙣𝙣𝙤 𝙗𝙞𝙨𝙞𝙩𝙖𝙚𝙣 𝙮𝙤 𝙙𝙖𝙜𝙞𝙩𝙞 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙗𝙨𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖 𝙆𝙪𝙮𝙖 𝙀𝙢𝙞𝙡 𝙍𝙤𝙢𝙪𝙖𝙡𝙙𝙤 𝙬𝙚𝙣𝙣𝙤 𝘼𝙩𝙚 𝘼𝙣𝙖 𝙇𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙞𝙩𝙞 𝙡𝙪𝙜𝙖𝙧 𝙩𝙞 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚 𝙩𝙖𝙥𝙣𝙤 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙪𝙧𝙤 𝙠𝙚𝙣 𝙩𝙪𝙢𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙙𝙖𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙞𝙩𝙞 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙖 𝙥𝙖𝙨𝙮𝙚𝙣𝙩𝙚𝙮𝙤. 𝘼𝙜𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙡𝙖 𝙪𝙣𝙖𝙮."

Mabuhay ang ating mga Katutubo at sa buong pwersa ng San Marcelino District Hospital na handa umalalay sa inyong panganga- ilangan !



---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Address

San Marcelino District Hospital
San Marcelino
2207

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMDH Medical Records posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby clinics