28/10/2026
🐾 RABIES, HINDI BASTA-BASTA! 💉
Maging responsable sa pag-aalaga ng hayop at siguraduhing updated ang kanilang bakuna laban sa rabies.
⚠️ Kapag nakagat o nakalmot, hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig nang hindi bababa sa 15 minuto, at magpunta agad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center para sa tamang gamutan.
💙 Prevention is protection!
📍 BiteXpert Animal Bite Center
Unit 2-D Hermosa St. cor. Molave St., Tondo, Manila
🕗 Open Daily | 8:00 AM–6:00 PM
📞 0956 926 6400
UNANG KASO NG RABIES SA TUPA, NAITALA SA GENERAL SANTOS CITY
GENERAL SANTOS CITY — Kinumpirma ng mga awtoridad ang kauna-unahang naitalang kaso ng rabies sa isang tupa sa General Santos City matapos magpositibo sa pagsusuri ang hayop noong Nobyembre 2025.
Ayon sa City Veterinary Office, posibleng nahawa ang tupa matapos makagat ng isang ligaw na asong may rabies. Gayunman, hindi pa tiyak kung ito nga ang pinagmulan ng impeksiyon.
Ipinaalala ng mga eksperto na hindi lamang mga aso at pusa ang maaaring magkaroon ng rabies. Maaari rin itong makahawa sa mga alagang hayop sa bukid, kabilang ang mga tupa, baka at kambing.
Kabilang sa mga sintomas ng rabies ang kakaibang pag-uugali, labis na paglalaway, hirap sa paglunok, panghihina at pagkaparalisa. Kapag lumitaw na ang mga sintomas, halos palaging nakamamatay ang sakit.
Dahil dito, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng regular na pagbabakuna laban sa rabies, responsableng pag-aalaga ng mga hayop at agarang pag-uulat ng mga pinaghihinalaang kaso.
Pinapayuhan din ang sinumang makagat o makalmot ng hayop na posibleng may rabies na hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng hindi bababa sa 15 minuto at magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center para sa kaukulang gamutan.
Photo courtesy: Jeckul Gervacio via Science Department