30/10/2026
₱500 NOCHE BUENA, KASYA NA RAW SA HAM, SPAGHETTI AT MACARONI SALAD — DTI SEC. ROQUE
Nobyembre 28, 2025 — Umani ng batikos ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque na sapat na umano ang ₱500 para sa simpleng Noche Buena ng isang pamilyang may apat na miyembro.
Ayon kay Roque, maaari nang makabili ng ham at mga sangkap para sa spaghetti at macaroni salad sa nasabing halaga. Nilinaw niyang nakadepende pa rin ang gastos sa bilang ng mga kakain at sa uri ng pagkaing ihahanda.
Gayunman, kinuwestiyon ng ilang mambabatas at netizens ang naturang pahayag, dahil para sa kanila ay hindi makatotohanan ang ₱500 na budget sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.