02/10/2026
👶NEWBORN SCREENING AWARENESS WEEK
📅 1st Week of October
Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Newborn Screening
🔹 ANO?
Ang newborn screening ay isang simpleng blood test upang malaman kung may ilang congenital disorders o kondisyon si baby.
🔹 KAILAN?
Isinasagawa ito pagkalipas ng 24 oras mula sa kapanganakan.
🔹 BAKIT?
Nakakatulong ito upang maagang matukoy ang 29+ na sakit at mabigyan agad ng angkop na follow-up at paggamot upang makatulong na maiwasan ang malubhang komplikasyon, kapansanan, at maagang pagkamatay.
🔹 SAAN?
Maaaring gawin ang newborn screening sa:
🏥 Ospital
🏠 Lying-in
🏩 Health Center
🩺 Iba pang PhilHealth-accredited health facilities
🔹 PAANO?
Kukuha lamang ng ilang patak ng dugo sa sakong ni baby at ilalagay ito sa espesyal na filter paper para masuri.
Kalusugan ni baby, i-prioritize!
Maliit na hakbang , malaking proteksyon para sa malusog at mas ligtas na kinabukasan ni baby!
📢 Magpa-newborn screening! Para kay baby, huwag ipagpaliban!